Saturday, February 18, 2012

DIBORSIYO: Banta sa Pamilyang Pilipino

            Oktubre noong nakaraang taon, opisyal na naging legal ang diborsiyo sa bansang Malta sa Europa. Ibig sabihin, dalawang bayan na lamang sa buong mundo ang walang “divorce bill” – ang Vatican City at ang Pilipinas. Hindi na kataka-taka ang pananatiling pagbabawal ng diborsiyo sa ating bansa dahil  hanggang sa kasalukuyan, litaw pa rin ang impluwensiya at kapangyarihan ng Simbahang Katoliko. Ayon kay Agapay (2005), ang kasal ay isang kasunduan na kung saan ang dalawang taong nag – iibigan ay gumagawa ng isang “partnership” sa buong buhay nila. Bagamat may “annulment” sa bansa, nananatiling habambuhay ang bisa ng kasal para sa nakararaming Pilipino.  
            Maraming epekto ang mararansan ng mga Pilipino kung sakali mang ipatutupad ang nasabing “bill”. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na dumaranas ng kahirapan ang ating bansa. Hindi kaya mas mahihirapan ang mga mag – asawang Pilipino na maghiwalay kung ang halaga ng prosesong ito ay mahigit sa isang milyon (Borden, 1996)? Hindi lamang sa pinansiyal na aspeto mahihirapan ang mga mag-asawang Pilipino kung ipatutupad ang “divorce bill”, kundi pati na rin sa usaping emosyonal at pampamilya. Ayon naman kay Wood (2011), malaking epekto ang mararansan ng kanilang mga anak, lalong lalo na ang mga maliliit na bata, dahil maaari nilang paniwalaan na sila ang dapat sisihin sa paghihiwalay ng kani-kanilang mga magulang. Ang resulta nito sa mga anak ay pangmatagalan sapagkat magkakaroon na siya ng pag-aalinlangan at pagdududa sa kakahayan niyang magtayo ng sariling pamilya at makararanas din siya ng depresyon dahil sa pagkawasak ng kanyang pamilya noon. Sa diborsyo, papipiliin din ang mga bata kung saan nila nais na mamuhay at hindi ito isang madaling desisyon para sa isang anak. Kahit na may “visiting rights” ang magulang na nabigong makuha ang “custody” ng mga anak, hindi naman nito matutumbasan ang permanenteng oras ng kailangan ng isang anak mula sa kanyang mga magulang. Sa mga dahilang aking ibinanggit, ako ay lubos na tumututol sa pagpapatupad ng diborsyo sa ating bansa. Kahit na mabilis ang prosesong ito, ‘di naman maikakaila na pangmatagalang ang pinsalang hatid nito sa isang pamilyang Pilipino. Pinapaala lamang ng Simbahang Katoliko sa buong sambayanang Pilipino na ang pagsabak sa pag - aasawa ay hindi isang biro at nangangailangan ito ng dedikasyon. Isang kasabihan nga ang nagsasaaad na: “Ang pag-aasawa ay hindi isang kaning isusubo na kapag napaso ka ay iluluwa mo”, kaya dapat huwag tayong padalos – dalos sa mga desisyong natutungkol sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya!



Wood, L. (2011). “The advantages & disadvantages of a divorce to a family”. Retrieved from http:// http://www.ehow.co.uk

Borden, L. (1996). “Disadvantages of divorce”. Retrieved from http://www.divorceinfo.com

Agapay, N. (2005). “Music, arts, p.e., and health: making us fully equipped in the 21st century.” Calamba City: Lightquest Publications, Inc.



PHOTO SOURCE: 
http://fc03.deviantart.net/fs19/i/2009/066/a/c/Divorce_by_sailor_midnightstar.jpg

No comments:

Post a Comment