Friday, February 17, 2012

TULANG ALAY PARA SA PAG-IIBIGANG INUKIT SA BAYABAS

Unang araw ng eskwela
Hindi pa sila nagkakilala
Ngunit di pa nila batid.
Ang pagmamahal sa isa't isa na kanilang hatid.

Si Joan Darlene, ang magandang dalaga
Si Dan Sandoval, ang matalinong bata.
Bayabas ang bunga
Ng pagmamahal nilang 'di balintuna.

Unang taon ng pag-aaral,
Pag-ibig nila ay sadyang napaka-popular.
November 6 ang anniversary.
Bawat 6th day ng buwan, lahat ay happy.

Pangalawang taon ng pag-aaral,
Sila'y nagkaroon ng biyaya mula sa Maykapal.
Jorjor ang kaniyang ngalan.
Mahal na mahal siya ng mga SEians.

Pangatlong taon ng pag-aaral.
Si Joa'y 'di nakatanggap mula kay Dan ni isang sampal.
Kaya't pag-iibigan nila ay tuloy na tuloy
Kahit ulan man o bagyo, wala nang makapagtataboy.

Huling taon na sa hayskul.
Pag-iibigan pa rin nila'y mas nagiging cool.
Kahit busy na sa mga proyekto,
Si Jorjor pa rin ang inaasikaso.

Kahit si Dan at Joan ay may maraming napagdaan,
Basta't magkasama..okay lang 'yan!
Hanggang sa huling hantungan,
Pag-ibig nila'y wala nang katapusan!

No comments:

Post a Comment